Wednesday, July 2, 2008

miss you buddy

i was browsing my fs and found myself answering questions posted by a friend on bulletin..

the last question there goes like.. "Who's your friend you could tell anything to?".. i paused for a while and think. suddenly, it hit me.. ..and i typed "..wala na siya eh.. si orly.."

Orlando Bulaong. that's his name.. we called him Orly.. nagkakilala kami when we were in grade 6 on a camp.. a boyscout jamboree where we served as representative of our respective schools.. then in highschool, we became friends and classmates nung 2nd yr na. mabait eh. sobra. naging magkasama sa mga kalokohan. sa projects, games, panliligaw, kalokohan, at kahit sa trouble, di kami nagiiwanan. naalala ko pa nung tym na nanalo kami sa intrams and muntik na mapaaway sa lower section. kaming dalawa lang ang magkasama. and nung inabangan siya nung isang student from i don't know where, ako kasama niya. bestfriend ko yun eh! di naman kami palaaway or basagulero. lapitin lang ng gulo. i don't know. daming inggit eh. lalo na pag nasasapawan..

..one morning, before our class sa hapon, i went to his house with some friends. nagbasketball kami then umakyat sa bubong nila to get santol at mangga. kumain nang kumain at nagkwentuhan. we had so much fun then though di ko alam kung bkit..basta masaya kami. after that, nagmamadali kaming umuwi para pumasok sa school. hapon na pala and late na kami. during the class, before we went home, my teacher in filipino had a lottery and siya yung napiling bumunot ng winner.. and he said as he picked up the name of the winner, "ang nanalo ng aking katawan...... .......ay ako! ako nga! ako ang nanalo!" ang swerte. name nya talaga nabunot nya. hehe.. not knowing na yun na pala ang pinakamahaba at pinakamasayang araw na pagsasamahan namin. that was his last day sa school.. haaaay..

..even before kami magkasama nang matagal, we parted ways na din agad. he transfered to other school for some reasons... the day na nabalitaan namen na he was gonna transfer na nga, the whole section went to his house after class and tried to convinced him na wag na ituloy. but he had no choice. he had to. so he transfered na nga..pero ganun pa man, di pa din kami nawalan ng communication. and there were times pa nga na nagpupunta kami or ako sa bahay nila to play basketball or para lang bumisita. and siya din ganun.. nagpupunta sa bahay para lang mangamusta..

lately, i noticed na parang ang tamlay nya and he opened nga na may problem siya. as much as i can, pinilit kong ma-ease yung pain na ramdam nya. then, couple of months before we had our graduation, nagpunta siya sa bahay. he brought a cd and gave it to me. the cd wasn't for me. but since binalik sa kanya yung cd nung taong talagang pinagbigyan nya, he chose na ibigay na saken. (and up to now, tinatago ko pa din yung cd) ..sobrang lungkot ng mata nya nun. wala ako magawa.. ..sobrang sisi ko na di ko alam na yun na pala ang last na pagkikita namen.

ang laking sisi ko na di ako naka-attend sa birthday nya. his last birhtday. one morning, couple of weeks before my highschool graduation, nagising ako sa isang tawag ng isang kaibigan. she told me, orly's gone.. ..di ko alam ang gagawin ko nun. akala ko nga ginugud tym lang ako ni orly. mahilig sa ganun yun eh. but the gut feel was there. i rushed to his house with my friends and malayo pa lang ako, my nakikita na akong black cloth sa may harapan nila. habang papalapit ako ng papalapit, my mind was saying na di yun totoo. i didn't have the nerve para tumuloy. then one of my friend na kanina pa andun said "buti anjan na kayo. kanina ka pa hinihintay ng nanay ni orly." pinilit ko pumasok and when i stepped inside, nakita ko yung coffin. ayoko tignan. pero gusto ko siguraduhin na hindi siya yung nasa loob nun! there i saw nanay zeny (nanay ni orly) crying. hinipo ko yung ulo ni nanay zeny at sinabi kong' "nanay andito na po kami.".. she screamed and said "orly! andito na sila. andito na sila. bumangon ka na!" di ako makaiyak nun. di pa nagsi-sink in sa utak ko na yung bestfriend ko ang nakahiga sa harapan ko..

last night before siya ilibing, his ate gave me yung picture namen back nung 2nd yr highschool saying "nakuha ko to sa wallet ni orly. ikaw na magtatago nyan." iyon yung picture na pinagtatalunan namen dati kung sino ang dapat magtago. and all flashed back. lahat ng mga nangyari. from the time we first met hanggang sa last time kaming nagkita.. lahat ng pinagsamahan namin, bumalik yun lahat. then, i realized kung gaano ako kaswerte na nagkaroon ako ng friend na tulad nya. sadly, wala na siya.. and there, i cried....

..pare, miss na kita. dami kong gustong ikwento at i-share sa yo. madami ka na din namiss eh. sana andito ka. daya mu naman. kampi tayo di ba? ..wala ka dito? panu kaya yun?..graduate na nga pala ko. engineering. kaw, dapat nauna ka na makagraduate saken eh. education course mu dba? nakita ko pa dati yung name mu sa list ng mga passers nung enrolment for college freshmen. galing mu talaga!

alam ko anjan ka lang. and di kita nakakalimutan. next birthday mu, present ulet ako. sana maramdaman ko yung presence mu. kahit paramdam lang. kahit one time lang. o kaya sa panaginip, kausapin mo ko. madami ako ibabalita sa yo.

miss you buddy..